Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos umanong yanigin ng magnitude 6.7 na lindol ang Andreanof Islands sa Alaska nitong Lunes, Oktubre 16.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang magnitude 6.7 na lindol sa Andreanof Islands dakong 7:36 ng gabi.

Mayroon umano itong lalim na 253 kilometro.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag naman ng Phivolcs.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Dahil dito, wala umanong aksyon na kinakailangang gawin kaugnay ng lindol.