Maagap na nagbigay ng “libreng sakay” ang Manila City government at iba pang ahensya ng pamahalaan bunsod ng inilunsad na “tigil-pasada” ng transport group na MANIBELA nitong Lunes.

Nabatid na personal na naka-monitor si Manila Mayor Honey Lacuna sa operasyon ng kanilang Oplan Libreng Sakay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kaagad na tumuloy sa Kartilya ang alkalde matapos ang regular flag raising ceremony upang bantayan at i-monitor ang paglulunsad ng 'Libreng Sakay' bilang agapay sa mga biyaherong maaapektuhan ng naturang tigil-pasada, na ikinasa ng MANIBELA.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Lacuna, naglaan ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO, sa ilalim ng pamumuno ni Director Arnel Angeles, ng 20 e-trikes, dalawang Mobile Transport at tatlong sports utility vehicles (SUV) para sa libreng sakay.

Ang Manila Police District (MPD) naman ay naglaaan ng dalawang MPD Transporters at 16 MPD patrol vehicles upang siyang maghatid sa mga pasaherong istranded dahil sa tigil-pasada.

Batay naman sa monitoring ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), MDRRMO at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nakatulong rin sa mga pasahero ang patuloy na pagbiyahe ng karamihan sa mga public utility vehicles (PUVs), sa kabila ng tigil-pasada na inilunsad ng kanilang mga kasamahan.

Nabatid na kabilang sa mga pangunahing ruta na binantayan ng mga awtoridad ay ang San Juan-Divisoria; Blumentrit-Novaliches; Nagtahan-Paco; Divisoria-Cubao; Morayta-Divisoria at Balic-Balic-Quiapo.