Inaasahang magkaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, ayon sa ilang kumpanya ng langis.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Sea Oil at Clean Fuel, nasa ₱.55 ang dagdag na presyo sa kada litro ng gasolina.

Itinakda naman sa ₱.95 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.