Inatake ng mga hacker ang opisyal na website ng Kamara nitong Linggo, Oktubre 15.
Una umanong na-detect ang hacking, na nagdulot ng “vandalism” sa website ng Kamara na www.congress.gov.ph, bago magtanghali nitong Linggo.
Makalipas ang ilang minuto hanggang sa isinusulat ang artikulong ito’y hindi na ma-access ang naturang website.
Naglabas naman ng pahayag si House Secretary General Reginald Velasco nitong Linggo ng tanghali upang kumpirmahin ang nangyaring pag-hack sa kanilang website.
“We wish to inform the public that the official website of the House of Representatives experienced unauthorized access earlier today,” pahayag ni Velasco.
Inihayag din ni Velasco na agad silang nagsagawa ng mga hakbang upang masolusyunan ang isyu. Nakikipag-ugnayan na rin umano sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at law enforcement agencies upang imbestigahan ang nangyari.
“While we work to restore the website fully, we ask for patience and understanding. We are committed to ensure the security and integrity of our digital platforms, and we will implement additional measures to prevent such incidents in the future,” ani Velasco.
“For the moment, we advise the public to be cautious of any suspicious emails or communications that claim to be from the House of Representatives. We will keep the public updated as more information becomes available,” saad pa niya.