Ipatutupad pa rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Lunes.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ito ang paglilinaw ng MMDA sa kabila ng inaasahang epekto ng nationwide transport strike sa Oktubre 16.

Pagdidiin ng ahensya, pinaiiral pa rin ang number coding simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Inabisuhan din ng MMDA ang mga motorista na sumunod sa batas-trapiko upang makaiwas sa aksidente.