Dapat na umanong pakatutukan ang huling tatlong linggo ng seryeng "Maging Sino Ka Man" na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco, na mas sikat ngayon sa tambalang "BarDa," na mas naging solido at sumikat pa nang husto dahil sa "Maria Clara at Ibarra."

Batay sa Facebook post ng GTV, ang sister company ng GMA Network, mas titindi pa ang mga eksena sa nabanggit na serye, na adaptation naman ng pelikulang "Maging Sino Ka Man" nina Robin Padilla at Sharon Cuneta. 

Ipinakita na nila ang official teaser ng nabanggit na special limited series. 

"#Teaser: Hindi na kayo dapat bumitiw sa huling 3 maaksyong linggo ng #MagingSinoKaManGMA!" mababasa sa caption. 

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Matatandaang bago pa man magsimula ang nabanggit na serye, may disclaimer nang special limited series lamang ito at hindi talaga tatagal. 

Inaasahang papalitan naman ito ng "Black Rider" nina Ruru Madrid, Yassi Pressman, Matteo Guidicelli, at iba pa.