Nagsimula nang umere ang noontime show na “It’s Your Luck Day” sa timeslot ng sinuspindeng “It’s Showtime” nitong Sabado, Oktubre 14.

Nauna nang inanunsiyo kamakailan na ang nasabing programa ang pansamantalang hahalili sa “It’s Showtime” kasabay ng pagpapakilala sa mga magiging host nito.

Pero dahil nga limitado lang ang airing days ng “">It’s Your Lucky Day”, humirit tuloy ng biro si Luis:

“Naniniwala ako na ngayon e gagawa tayo ng history. Alam n’yo ba ang mga kabataan ay, pagkatapos ng ilan taon, pag-uusapan tayo. Nasa libro tayo ng HEKASI…First time sa lahat ng shows ng ABS-CBN, kahit sa buong industriya. Hindi pa tayo natatapos ng unang episode, maa-announce natin ang huling dalawang linggo!”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pero ani Luis, kaya raw maigsi ang airing days ng kanilang programa ay para mas manabik ang mga manonood.

“Style ‘yun,” sabi pa niya.

Tila maganda naman ang naging pagtanggap ng netizens sa unang episode ng programa. Nanghinayang pa nga ang ilan dahil matatapos daw agad. Kaya hiling nila, sana ay magtuloy-tuloy ito maski pa bumalik ang “It’s Showtime”.

MAKI-BALITA: ‘It’s Your Lucky Day’ rerelyebo sa ‘It’s Showtime’ – Balita

MAKI-BALITA: Luis Manzano, next ‘Willie Revillame’ ng ABS-CBN? – Balita