Isang matagal na pangarap ang binigyang-katuparan ng social media personality na si Whamos Cruz sa kaniyang natagpuang "long-lost father" na si Joselito Achacoso, 55-anyos mula sa Bohol, matapos niyang bigyan ito ng malaking halaga ng pera upang makapagpatayo ng sariling beauty parlor.

Bukod sa iPhone at iba pang kagamitan, gayon na lamang ang pagbalong ng emosyon mula sa kaniyang kamukha nang ibigay nga ni Whamos ang pambihirang ayuda, na ni sa hinagap ay hindi niya akalaing mangyayari.

"Salamat po. Alagaan mo sarili mo, Sir Whamos."

"Basta hindi ko makalimutan binigay mo sa akin. Salamat sa pagtuturo mo sa akin kung paano magpakumbaba," aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nangako si Joselito na hinding-hindi niya sasayangin kung anuman ang mga tulong na ibinigay sa kaniya ni Whamos.

Ikinuwento ni Joselito kung gaano siya kahirap ngayon, bagay na nagpaluha naman sa content creator.

"Wala na akong mama saka mga tiyahin ko hindi nila matanggap na gumagala-gala ako... palagi ako humihingi sa mga kapitbahay ng ulam, pambili ko ng bigas. Salamat po, Sir Whamos."

Mensahe naman ni Whamos sa "ama," "Sana 'yong binigay ko sa iyo, puwede kang bumili ng gamit pang-salon mo para makapagsimula ka. Kahit konti at maliit na business para kahit papaano may income ka."

Matatandaang dumayo pa si Whamos sa Bohol para makaharap si Joselito.

Ang tunay na tatay ni Whamos ay si Tikyo Cruz, isang bit player, na lumabas sa pelikulang "Daddy's Girl."

Matatandaang bukod kay Joselito, nabalita na rin ang pagkakaharap ni Whamos at ang kaniyang "long-lost sister" na talagang kamukhang-kamukha rin niya.

Sabi tuloy ng mga netizen, mukhang may dulot na suwerte kapag kamukha ka ni Whamos.

MAKI-BALITA: Whamos Cruz nakaharap na ang ‘long-lost father’

MAKI-BALITA: ‘Pinagbiyak na bunga?’ Whamos, nakaharap na ang ‘kambal’ na si Whamsy