Bibigyan ng cash incentives si jiu-jitsu fighter Margarita Ochoa matapos sungkitin ang gintong medalya sa nakaraang 19th Asian Games sa Hangzhou, China, ayon sa pahayag ng San Juan City government.

Isasagawa ang seremonya sa San Juan City Hall atrium sa Lunes, dakong 7:45 ng umaga.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Sa pahayag ng alkalde ng lungsod na si Francis Zamora, bukod sa ₱100,000 cash, pagkakalooban din ng plake si Ochoa. Si Ochoa ay taga-Barangay Batis, San Juan City.

Matatandaang naiuwi ni Ochoa ang gold medal matapos gapiin ang pambato ng United Arab Emirates na si Balqees Abdulla sa women's under-48kg Brazilian jiu-jitsu competition nitong Oktube 5.