National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagsimula na nga ang temporaryong noontime show na rumelyebo sa suspendidong "It's Showtime" nitong Sabado ng tanghali, Oktubre 14. 

In fairness, nag-trending ito sa X at batay sa mga post, mainit ang naging pagtanggap dito ng mga netizen. 

Refreshing daw sa mata ang camaraderie ng hosts sa pangunguna ni Luis Manzano. Nag-blend daw ang personalidad nina Melai Cantiveros at Jennica Garcia na co-hosts na rin naman sa "PIE Channel," ang interactive channel ng ABS-CBN na napapanood online. Sina Luis at Robi Domingo ay bahagi rin nito. 

Natuwa ang mga netizen dahil nabigyan ng highlight ang hosting skill ni Shaina Magdayao, na bahagi rin ng kauna-unahang teleserye ng DonBelle, ang "Can't Buy Me Love" na mapapanood na sa Lunes, Oktubre 16, kapalit nang nagtapos na "The Iron Heart."

Isa pa ang kakulitan ng mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay. 

Benta rin sa mga netizen ang hirit at punchlines nina Luis at Melai, lalo na sa pagsasabing kasisimula pa lamang nila ay tiyak na ang "huling dalawang linggo" nila. 

Si Melai naman, humirit na nagawa pa nilang mag-weekly at grand finals kahit dalawang linggo lang silang eere dahil magbabalik nga ang It's Showtime. 

Kaya panawagan ng netizens, sayang naman ito kung tsutsugihin lang din. Suhestyon nila sa ABS-CBN, baka puwedeng gawin itong pre-noontime show at itapat sa "TikToClock" ng GMA Network. 

O kaya naman daw, ilagay sa timeslot ng "Minute to Win It" bago mag-TV Patrol. 

Well, abangers na lang tayo pagkatapos ng dalawang linggo kung ano ang balak ng Kapamilya Network sa show na ito, kung sakali.