Tinawag na "insensitive" at "inappropriate" ng bashers ang social media post ng dating artista at ngayo'y negosyante, financial expert, book writer, at motivational speaker na si Chinkee Tan matapos niyang magbigay ng repleksyon tungkol sa nakansela nilang trip sa bansang Israel.

Sa kasalukuyan ay nakararanas ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Palestine.

Sa kaniyang buradong post, sinabi ni Tan na may trip sana sila sa Israel subalit hindi natuloy. Mabuti na lamang daw at hindi dahil pumutok na raw ang giyera doon.

Dahil dito, nakapag-reflect tuloy ang motivational speaker tungkol sa kung paano sila naramdaman ang proteksyon ng Diyos.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Photo courtesy: Chinkee Tan's FB via Fashion Pulis

Sey naman ng bashers, napaka-insensitive daw ng kaniyang post, dahil paano naman daw ang mga nasawi at nadamay dahil sa nagaganap na sigalot?

Pinaalalahanan nila si Tan na bagama't walang masamang intensiyon ang nabanggit na post, maaaring insensitive ito lalo na sa mga direktang apektado ng digmaan. Hindi raw lahat ng naiisip ay dapat pang i-post.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"I get his point. He's just grateful to God that they were spared kung baga testimony nya lang na they were protected from death. Naging insensitive lang ang dating kasi madaming namatay at nagsa suffer."

"Motivational speaker pa sya sa lagay na yan ha?"

"Lesson: some things aren't meant to be posted. It's true they were fortunate to be spared but it's insensitive & inappropriate."

"Very insensitive indeed, tsk, tsk!"

"If God looked out for you, who looked out for them, the innocent ones who suffered needlessly? Parang ganito lang 'yan eh, sa isang aksidente for example nagalusan ka lang pero yung iba were severely wounded and you say 'God is on my side.' So sa mga napuruhan sino ang nasa side pala nila?"

Samantala, agad namang naglabas ng public apology post si Tan matapos siyang sitahin ng bashers. Inilabas niya ito noong Oktubre 13 ng gabi.

Mababasa sa kaniyang public apology, "A Sincere Apology and Reflection on My Previous Post"

"I deeply regret my previous post where I expressed insensitivity regarding the cancellation of our trip to Israel. I thank you for calling my attention and I apologize for what may have seemed as a thoughtless response. I am truly sorry for any hurt or offense I caused to those affected by my words. I take full responsibility for my mistake and acknowledge that it was wrong."

"I would like to pray for peace for everyone affected by conflicts, in Israel, in Palestine, and the rest of the world."