National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Iniutos na ng Philippine government ang sapilitang pagpapauwi sa mga manggagawang Pinoy sa Gaza dahil sa tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.

Inilabas ang kautusan matapos itaas ng DFA sa Level 4 ang alert status sa lugar.

"The Department of Foreign Affairs wishes to inform the public that due to the current situation in Gaza, we have placed Gaza under Alert Level 4 (mandatory repatriation)," ayon sa pahayag ng DFA nitong Linggo.

Sa datos ng DFA, nasa 131 Pinoy ang nagtatrabaho sa Gaza, kabilang na ang 78 na nasa kalapit na border ng Rafah patawid ng Egypt habang ang iba pa ay nasa hilagang bahagi nito na inaasahang magiging sentro ng labanan.

"The Philippine government continues to work on the repatriation of our nationals and will provide updates on developments," abiso ng DFA.

Nanawagan naman si DFA Undersecretary Eduardo de Vega, sa mga Pinoy na naiipit sa giyera na lisanin na ang kanilang lugar.

"If they stay, they do so at their own very grave risk," aniya.

Nauna nang naki-usap ang Israeli forces sa mga Palestinian na lisanin na ang Gaza sa loob ng 24 oras bilang tugon sa bantang paglusob nito sa lugar na kontrolado ng nasabing grupo.

Tatlong Pinoy na ang nasawi sa digmaan, ayon sa DFA.