Handa na ang mga transport group sa kanilang ilulunsad na tigil-pasada sa Lunes, Oktubre 16.

Ito ang pahayag ng Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) nitong Sabado. Gayunman, hindi sasama sa grupo ang pito pang samahan.

Sa pahayag ng Manibela, ang pagkilos ng grupo ay bahagi ng pagtutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

“Tuloy na tuloy dahil ‘yung nakaamba rin na deadline sa amin na December 31," ani Valbuena sa isang radio interview nitong Huwebes.

Hindi lalahok sa tigil-pasada ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Pasang Masda, Stop and Go Transport Coalition, Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Alliance of Concerned Transport Organizations, at Alliance of Transport Operators and Drivers Association.

Dahil dito, ipakakalat naman ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito upang bantayan ang mga lugar na pagdadausan ng protesta, ayon sa tagapagsalita nito na si Col. Jean Fajardo.

PNA