Nagsimula na ang pagpapamudmod ng suwerte ng noontime show na "It's Your Lucky Day" nitong araw ng Sabado, Oktubre 14, sa timeslot ng suspendidong "It's Showtime."

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Opisyal at pormal nang inihayag ng ABS-CBN noong Miyerkules, Oktubre 11, na ang programang "It's Your Lucky Day" ang pansamantalang papalit sa nasuspindeng noontime show program. 

Hanggang Oktubre 27 naman ang airing nito, na hudyat naman ng pagtatapos ng suspensyon ng It's Showtime. 

Sa unang ulat ng Balita hinggil dito, ang bago at pansamantalang noontime show na papalit dito ay may pamagat na "It's Your Lucky Day" na ang nakalinyang hosts daw ay sina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Negi, at Long Mejia.

Nabanggit din ang pangalan nina Andrea Brillantes at magkatambal na "FranSeth" na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Batay naman sa official teaser, nadagdag sa line-up ang "Dirty Linen" star na si Jennica Garcia, na hinuhulma ngayon sa hosting sa "Ur Da Boss" na mapapanood sa PIE Channel, ang interactive-entertainment channel ng ABS-CBN. 

Nariyan din ang aktor at singer na si Kyle Echarri. 

Kasama rin dito ang mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay. 

Guest celebrity host naman ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao, na itinangging totoo ang mga tsismis na buntis siya sa rumored boyfriend na si Piolo Pascual. 

Bukod sa mga social media platforms ng ABS-CBN, mapapanood pa rin ito sa free at cable TV gaya ng Kapamilya Channel, A2Z, at GTV, mula Lunes hanggang Sabado, sa kaparehong timeslot ng Showtime. 

Samantala, trending na sa X ang pangalan ni Luis Manzano na siyang nagtitimon sa bagong noontime show. 

Photo courtesy: X

Sa ilang oras na pag-ere nila ay mukhang aprub naman sa mga manonood ang mga nangyayari sa pansamantalang pumalit sa Showtime. 

May mga nagsasabi pa ngang sana raw ay magtuloy-tuloy na ang programa kahit bumalik na ang It's Showtime sa ere. Sayang naman daw kasi. 

Puwedeng-puwede raw hulmahin si Luis bilang susunod na "Willie Revillame" kagaya ng ginagawa nito noon sa Wowowee. 

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng X users. 

"#ItsYourLuckyDayNa pwede rin tong gawing noontime show sa PIE Channel or iextend na lng cia sa piechannel... congrats Luis Manzano at sa show."

"Hinog na hinog na si Luis!"

"Di ba Lucky naman talaga palayaw ni Luis? It's his moment to shine more!"

"Sana huwag itong pahintuin, puwedeng itapat sa TikToClock ng GMA."

"Para siyang si Kuya Wil ng Kapamilya Network, kayang-kaya na niya."