Nasa 20 sasakyan ng MMDA ang ipakakalat sa Metro Manila upang mapakinabangan ng libu-libong pasahero, ayon kay Lipana.
Nauna nang tiniyak ni Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers Para sa Karapatan sa Paggawa (Manibela) President Mar Valbuena na nasa 600 ruta sa Metro Manila ang maaapektuhan ng tigil-pasada.
Binanggit din ni Valbuena na posible ring magtatagal ang tigil-pasada hangga’t hindi dinidinig ang kanilang panawagang suspindihin ang Public Utility Vehicle Modernization program at bawiin ang deadline para sa jeepney consolidation.