Shinare ng aktres na si Angelica Panganiban sa kaniyang Instagram story nitong Biyernes, Oktubre 13, kung paano niyang hinaharap ang postpartum depression.

Tumanggap kasi siya ng mga tanong na sasagutin sa kaniyang Instagram story sa pamamagitan ng “Q&Angge: Mommy Edition” at ang isa sa mga itinanong ng netizen ay kung paano niya hinaharap ang postpartum depression.

Sagot ni Angge: “Date nights and constant communication with my partner.”

“Minsan si Gregg and Bean ang lumalabas at ako naiiwan mag-isa para sa katahimikan ng isip,” dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Masuwerte naman umano siya dahil ayon sa kaniya hindi naman maiyak at ma-trantums si Baby Amila Sabine Homan. ‘Yun nga lang, binabato siya ng mga gamit sa mukha kapag na-e-excite ito.

Matatandaang noong first birthday ni Baby Amila ay inamin ni Angge na punong-puno umano siya ng takot nang isilang niya ang panganay na anak.

MAKI-BALITA: Angelica Panganiban, isang taon nang ‘nababaliw’ sa anak