Isang Manilenyo ang pinalad na magwagi ng milyon-milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 13-41-06-25-34-42 ng Lotto 6/42 kaya't napanalunan nito ang katumbas na premyong ₱34,562,804.20.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Sampaloc, Manila.

Upang makubra ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magpakita ng lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, sa ilalim ng TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, ay awtomatikong mapo-forfeit ay mapupunta sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE BAONILIPINAS CONGRATULATIONS! 6/42 LOTTO NATIONAL LOTTERY JACKPOT WINNER Thursday, October 12, 2023 13 41 06 25 34 42 WINNING COMBINATION Php34, 562,804.20 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in Sampaloc, Manila *Prizes above Php10,000. subject 20% winnings should claimed within pursuant date TRAIN Law. otherwise the same would /pcsoofficialsocialmedia 18+ /PCSO GOV forfeited form par Charity Fund. www.pcso.gov.ph'