Ibinahagi ng Masungi Georeserve sa Rizal ang kamangha-manghang mga larawan ng JC’s Vine na makikita lamang umano sa iilang mga lugar sa bansa.
“If you're on the trails soon, you might have the chance to see a secondary blooming of the rare JC's Vine,” pagbabahagi ng Masungi sa kanilang Facebook post kalakip ang ilang mga larawan ng JC’s Vine.
“This unique vine has only been documented in very few locations across the Philippines,” dagdag nito.
Ayon pa sa Masungi, nakikipagtulungan na umano sila sa mga scientist upang madokumento kung ilang species ang nakikipag-interact sa JC’s Vine.
“We’re working with scientists to document the many species that interact with it and how they contribute to its natural propagation,” anang Masungi.
“While its main bloom happens in summer, we have noticed secondary bloomings of its flowers later in the year,” saad pa nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.
Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi ng mga geologist at paleontologist mula sa University of the Philippines – National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS) na natuklasan sa Masungi ang mga fossil ng gastropod na tinitingnan bilang “pinakauna at pinakalumang” fossil record ng uri nito sa bansa.