Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Oktubre 13, ang mga detalye ng face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong librarian ng bansa.
Ayon sa PRC, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa Nobyembre 9, 2023 dakong 1:00 ng hapon sa Centennial Hall, Manila Hotel, One Rizal Park, Manila.
“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.
“Inductees and guests shall come in Business Attire. Kindly PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.
Inabisuhan din ng Komisyon ang mga dadalo sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang vaccination card o ang kanilang Negative RT-PCR results na kinuha umano sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.
Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.
Iaanunsyo umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.
Pagkatapos ng oathtaking, magtutuloy na umano ang inductees sa kanilang Initial Registration sa Nobyembre 10, 13, at 14, 2023 sa pamamagitan ng pag-secure ng online appointment sa http://online.prc.gov.ph.
“For more information on the OATHTAKING proper, you may contact the organizers at 0945-307-9940, or proceed to Room 315 Don Lorenzo Building, P. Paredes St., Sampaloc, Manila,” saad pa ng PRC.