![DSWD, handang tulungan mga OFW mula sa Israel](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2023/10/Screenshot-2023-10-13-155918-1.png)
(Manila Bulletin File Photo)
DSWD, handang tulungan mga OFW mula sa Israel
Nakahandang tulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na dumarating sa bansa mula sa Israel.
Ito ang tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa gitna ng tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Kaugnay nito, inatasan na ni Gatchalian ang Operations Group ng ahensya na pinamumunuan ni Undersecretary Pinky Romualdez na makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) kaugnay ng kanilang hakbang.
Nitoing Huwebes, inihayag ni DMW Undersecretary Hans Cacdac na handa na silang i-repatriate ang 22 Pinoy workers, kasama ang dalawang bangkay ng dalawang Pinoy na nasawi sa giyera sa Israel.