Idinisplay sa FIBA Museum sa Switzerland ang suit na isinuot ni dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes noong nagdaang FIBA World Cup.
Sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Oktubre 11, ibinahagi ni Reyes ang kaniyang larawan kasama ang naturang suit na idinonate umano niya sa FIBA Foundation.
Aabot umano sa mahigit ₱100,000 ang halaga ng naturang suit ni Reyes.
“Thank you @fiba Secretary General Andreas Zagklis for the warm welcome to the House of Basketball,” ani Reyes sa kaniyang post.
“[I] was asked by FIBA Foundation’s Head Curator Miguel Font to donate some personal items I’ve been wearing through the qualifying windows last year until the WC this year.”
“What an honor to see my coat displayed at the FIBA Museum,” saad pa niya kasama ang hashtags na #gilaspilipinas🇵🇭 at #puso.
Matatandaang naging head coach si Reyes ng Gilas sa nagdaang World Cup, kung saan nagkaroon ang koponan ng record na 1-4 matapos makakuha ng isang pagkapanalo nang tambakan nila ang koponan ng China.
MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, tinambakan ang China
Pagkatapos nito, inanunsyo niya ang kaniyang pag-“step aside” bilang head coach ng Gilas.
MAKI-BALITA: Chot Reyes handa nang mag-‘step aside’ bilang coach ng Gilas?
Pinalitan naman si Reyes ni Tim Cone, na siyang nagsilbing head coach nang makamit ng Gilas ang unang gold medal ng Pilipinas sa Asian Games mula noong 1962.
MAKI-BALITA: Cone, nagpaalam muna kay Chot Reyes bago tanggapin pagiging coach
MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games