Kinaaliwan ng mga netizen ang tila "Dora The Explorer" peg ng aktres na si Pinky Amador, na infairness ay kinaiinisan sa kaniyang pagganap bilang "Moira" sa isa sa mga top-rating teleserye ng GMA Network ngayon sa hapon, ang "Abot-Kamay na Pangarap."

Dahil nadaot na rin sa isang eksena kung saan sinabihan siyang ang pangit ng bangs niya at para siyang si "Dora" ay dinogshow na rin ni Pinky ang kaniyang looks, kumbaga ay katuwaan lang.

"Sumabit sa jeep, naglaboy, nanghabol ng pulubi, mahuhulog pa sa kanal! Anyare, Moira Pinky Amador?," saad sa caption sa post ng GMA Network Facebook page.

Mukhang enjoy na enjoy naman si Pinky sa mga ginagawa niya lalo't patok na patok ang karakter niya bilang kontrabida sa nabanggit na serye.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Hindi pa malinaw kung kailan magtatapos ito, matapos itong mag-extend dahil daw sa mataas na ratings at request na rin ng mga manonood.