Humaplos sa puso ng mga netizen ang kuwento ng isang lola vendor na nagtitinda ng handmade pamaypay at bags, sa parking lot ng isang simbahan sa Barangay Guadalupe, Cebu City. 

Kuwento ng uploader ng mga larawan ni "Nanay Marits" na si Dinio Dagooc, naispatan nilang magkakaibigan ang lola vendor, at nakaagaw nang pansin sa kanila ang mga personalized pamaypay at bags na itinitinda nito, na gawa sa mga basyo ng iba't ibang produkto, at ang ilan ay maituturing na basura na. 

Subalit sa pagmamahal daw ni Nanay Marits sa kalikasan, at dahil kailangan din ng pera, minabuti niyang pulutin ang mga kalat at gawing pamaymay at bag na puwedeng-puwede pang pakinabangan. 

Hindi nagdalawang-isip ang magkakaibigan na bumili sa mga paninda ni Nanay Marits bilang pagpapakita ng suporta sa kaniya. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Kyut kaau ang mga handmade pamaypay ni nanay. It's my first time seeing these simple handmade things so I decided to buy coz cute gyud hihi😊," aniya.

"Aside from it, she really cared about the surroundings and the nature as she recycled these plastics."

"Naa rani sya Guadalupe Church. God bless nanay see you around🫶🏼😊," pahayag pa niya.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Dinio, sinabi nitong may mga nagpadala sa kaniya ng tulong-pinansiyal para kay Nanay Marits.

"Yes po meron na. Amounts will be turn over to her this week po," aniya. 

Umabot na sa 3.9k reactions, 2.6k shares, at 232 comments ang viral FB post ni Dinio. 

Sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong kay Nanay Marits, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Facebook account ni Dinio. 

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!