Ibinahagi ng TV/social media personality, model, at negosyanteng si Maggie Wilson ang ilang detalye tungkol sa pagkakaaresto umano ng kaniyang ina nitong Huwebes, Oktubre 11.

“A few moments ago, multiple police officers came to arrest my mom,” saad ni Maggie sa kaniyang Instagram story.

“My mother has looked after OUR son and YOU through thick and thin.

“You hit a new low.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“P.S. Everything has been and will continue to be documented in detail.

“The government wouldn’t listen, and the justice system wouldn’t listen, but I’m sure the rest of the world will.

“One man is about to bring great shame to our country.

Sa isa pang hiwalay na story, sinabi niyang inaresto umano ang kaniyang ina dahil sa akusasyon ng carnapping.

“My 64-year-old mother was arrested this morning for carnapping.

“She doesn’t have a license, let alone knows how to drive.

“#OnlyInThePhilippines,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay naging trending pa si Maggie dahil sa isiniwalat niyang pagpapakalat ng “fake news” at “smear campaign” laban sa kaniya at sa negosyo niya.

Matatandaang maraming TikTok influencers na umaming binayaran umano sila upang gawin iyon kay Maggie.

Samantala, wala pang updates si Maggie kung kumusta ang lagay ng kaniyang inang si Sonia Wilson.

MAKI-BALITA: Maggie Wilson, trending; biktima ng fake news at ‘smear campaign?’ – Balita

MAKI-BALITA: TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson