Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:12 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 151 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 65 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.