Naibahagi ng batikang aktres na si Rio Locsin kung ano ang kinaiinisan o hindi kayang i-tolerate na ugali o behavior ng younger stars kapag nakakatrabaho na niya sa taping o shooting.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda," inamin ni Rio na naiirita siya kapag ang ka-eksena ay hindi mabitiwan ang kanilang cellphone habang nagre-rehearsal na.

"Naiirita o naiinis ako talaga 'pag may telepono sa set. Pag may cellphone sa set, kapag nagre-rehearse na, nagbibigay na ng instruction, ako kasi wala akong telepono sa set," paliwanag ng beteranang aktres na kabilang sa bagong action-series ng GMA Network at GMA Public Affairs na "Black Rider."

"Respeto rin sa ka-eksena mo 'di ba? Parang, 'yong isa handa tapos ikaw hindi kasi may kausap ka, o nari-ring ang telepono mo nasa bulsa kasi paano ba 'yon? Eh 'di sana umuwi ka muna, nakipag-usap ka," aniya pa.

VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan

Natutuwa rin si Rio sa ilang young stars na may pagkukusang lumapit at magpakilala.

“Pag hindi s'ya lumalapit sa akin para makipag-usap, hindi ako lalapit sa kaniya. Pag ang batang artista lumapit sa akin, halika anak mag-usap tayo. Kasi mahirap naman na ako ang mangunguna."

“Sinabi ko sa kanila, pasensya na kayo, senior na. Hindi ko lahat kilala ang mga batang artista hangga't hindi ko nakakatrabaho. Pero pag nagpakilala kayo at gusto n’yo makipag-usap sa akin, welcome na welcome kayo sa akin,” dagdag niya.

Bago mapanood sa GMA Network ay naging bahagi muna si Rio ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" na pinagbidahan ni Jane De Leon.