Idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na special non-working day ang Oktubre 30 (Lunes) para sa pagsasagawa ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 359 noong Oktubre 9, 2023, na hudyat na sa wakas ay magpapatuloy ang BSKE matapos na dalawang beses na ipagpaliban mula noong 2020.

HS Romualdez sa banta ni VP Sara: 'Hindi ito at hindi normal na pananalita!'

Sa kaniyang proklamasyon, sinabi ni Marcos na kailangang ideklarang holiday ang Oktubre 30 upang makaboto ang mga Pilipino ng kanilang napupusuang kandidato.

Matatandaang unang naka-iskedyul ang BSKE noong Mayo 2020, ngunit sa isang batas na ipinasa noong Disyembre 2019, na ipinagpaliban ang botohan sa Disyembre 2022.

Gayunpaman, nilagdaan ni Marcos ang Republic Act (RA) No. 11935 noong Oktubre 2022, na inilipat ang halalan sa Oktubre 2023.