May taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Oktubre.

Sa anunsiyo nitong Miyerkules, sinabi ng Meralco na dahil sa upward adjustment sa household electricity rate na 42.01 sentimo kada kWh, ang overall electricity rate ngayong buwan ay aabot na sa ₱11.8198 kada kWh mula sa ₱11.3997 kada kWh lamang noong Setyembre.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Anang Meralco, ang taas-singil ay bunsod ng mas mataas na generation charge na umaabot sa 30.15 sentimo kada kWh o naging ₱7.1267 per kWh mula sa ₱6.8252 per kWh lamang noong nakaraang buwan.

Nabatid na tumaas din naman ang transmission at universal charges.

Sinabi ng Meralco na ang naturang taas-singil ay nangangahulugan ng karagdagang ₱84 na bayarin para sa mga tahanang kumukonsumo ng 200kwh kada buwan; ₱126 sa mga nakakagamit ng 300kwh kada buwan; ₱168 para sa mga nakakagamit ng 400kWh kada buwan at ₱210 naman para sa mga kumukonsumo ng 500kwh kada buwan.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ng taas-singil sa kuryente ang naturang electric company.