Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Miyerkules, Oktubre 11, na dalawang Pilipino ang namatay sa giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.
“The Philippines condemns the killing of two (2) Filipino nationals and all other acts of terrorism and violence as a result of Hamas actions against Israel,” saad ni Manalo sa kaniyang post sa X (dating Twitter) nitong Miyerkules ng umaga.
“The Philippines is ready to work with other countries towards a long-lasting resolution to the conflict, in accordance with pertinent UN Security Council Resolutions and the general principles of international law,” dagdag pa niya.
Gayunman, wala pang inilalabas na iba pang detalye ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa pagkamatay ng dalawang Pinoy.
Patuloy namang ibibigay ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng posibleng tulong para sa mga Pinoy na nasa Israel at Palestine, ayon kay Manalo.
Base sa bagong datos ng DFA, mayroong 30,000 na Pilipino ang nasa Israel habang 137 Pinoy naman ang nasa Gaza.