Matapos maisyung nakalabas sila ng bansa ng misis na si Mikee Agustin sa kabila ng akusasyong ₱200-M investment scam sa naalok na investors na karamihan ay overseas Filipino workers (OFW), naglabas ng kaniyang pahayag ang toy collector at dating miyembro ng all-male group na Streetboys na si Yexel Sebastian.

Mababasa sa kaniyang latest Facebook post, "Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya, ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko maiayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na."

"Pati kaligtasan namin ay nalaganay na sa alanganin, masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin ni Mikee and Zyph kaya palagay ko ito na ang tamang panahon," mababasa sa post.

Kuwento ni Yexel, Abril 7, 2022, nang sumama sila sa ribbon-cutting ng isang legit casino sa Clark, Pampanga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"After {ribbon-cutting] nagkaroon ng malaking event kung saan pinasalamatan ni Boss HP aka Hector Pantollana lahat ng matataas na tao sa casino at iba pang casino branches."

"Legit ang Junket."

"Legit lahat ang tao."

"at Legit ang Operation."

"Hindi 'yan mapepeke nang kahit sino dahil hindi ka magkaka-branch sa isang casino na legal, para magka-junket kung illegal ito."

"Yan ang pagkakaalam namin lahat ayon sa nakita ng mga mata namin nun panahon nayun."

"Maraming saksi nyan at maraming tao ang nakita ako jan at si Mikee. Isa lang kami sa participants nun gabi nayan at alam ng lahat ng tao yan nun gabi nayun........"

May hashtag pa itong "#YexelangKatotohanan."

Sa kabilang banda, mababasa naman sa comment section ng post na sa haba ng paliwanag daw ni Yexel, ang hinahanap naman daw sa kaniya ng nagrereklamong investors ay nasaan na ang kita o share nila.

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na wala umanong departure order at derogatory record ang dalawa kaya malaya silang nakaalis ng bansa.

Maaari naman daw maglabas ng look-out bulletin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawa kung sakaling may complaint o maghahaing reklamo sa prosecutor's office kontra sa kanila.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Yexel at Mikee tungkol dito.

MAKI-BALITA: Yexel Sebastian wala pang statement sa mga akusasyon laban sa kanila ng misis

MAKI-BALITA: Yexel Sebastian, Mikee Agustin nakalabas ng bansa; netizens, nagwala