(Philippine Navy/FB)
Military exercise ng PH, US, mga kaalyado puspusan na!
Puspusan pa rin ang isinasagawang pagsasanay ng Philippine Navy, United States Navy at iba pang kaalyadong bansa bilang bahagi ng kanilang taunang military exercise.
Layunin ng annual bilateral navy-to-navy exercise ng dalawang bansa na mapalawak ang interoperability o kakayahang magtrabaho, kaagapay ang ibang kagamitan ng ibang grupo at maisulong ang pagtutulungan ng mga ito.
Nitong Martes, sumalang sa ikalawang araw ng pag-eensayo ang BRP Antonio Luna, HMCS Vancouver, JSA Kebono, USS Dewey at7 HMS Spey.
Sumali rin sa Sea Phase Exercises ng Samasama 2023 Royal Australian Navy, Royal Canadian Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Navy.
Nakatuon ang military exercises sa pagprotekta sa vital assets at paghahanda ng naval forces laban sa maritime threats sa Pilipinas.
Tatagal ang multilateral exercise hanggang Oktubre 13.