Mariing hinimok ni Mayor Joy Belmonte si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan na ibalik sa puwesto ang sinibak na pulis na sangkot sa viral traffic incident kamakailan.

Matatandaang kumalat kamakailan sa social media ang isang video ng pulis na pinangalanang si Executive Master Sergeant Verdo Pantollano na nagpahinto sa trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Nag-viral ang naturang video, dahilan kaya’t naglabas din kamakailan ng pahayag ang Office of the Vice President (OVP) upang pasinungalingang si Duterte ang naturang “VIP” (very important person) na sangkot sa pagpapahinto ng trapiko.

MAKI-BALITA: OVP, may pahayag sa isyung si VP Sara umano ang dahilan ng viral traffic incident sa QC

3 sa bawat 4 estudyanteng Pinoy, gumagamit ng 'paraphrasing AI tool!'—survey

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Quezon City Police District (QCPD) Police Station 14 at sinibak sa pwesto si Pantollan.

MAKI-BALITA: Pulis sa viral video na nagpahinto ng trapiko sa QC, sinibak sa pwesto

Sa isa namanng pahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City nitong Lunes, Oktubre 9, binanggit nito ang pahayag kamakailan ni Acting MMDA Chairman Rolando Artes na normal daw ang pagbibigay ng courtesy sa VIPs sa pamamagitan din ng pagpapagamit ng mga pampublikong kalsada.

“We extend courtesy especially to the President and Vice President because they have security concerns and not for anything else, privilege and entitlement,” ani Artes.

Nilinaw rin ng MMDA chief na maaari rin umanong magbigay ng “courtesy” sa mga foreign dignitaries, tulad ng mga pinuno ng estado na bumibisita sa bansa. 

Kapag may courtesy ay nagsasaayos umano ang MMDA ng isang traffic management plan para maiwasan ang traffic jams.

Kasunod ng pahayag ni Artes, sinabi ni Belmonte na sa tingin niya’y nagkaroon ng “inhustisya” sa nangyaring pagsibak kay Pantollano.

“Following the clarification made by Chairman Artes, I feel that an injustice was committed against Pantollano and must be rectified, regardless of who the VIP was. The cop must be reinstated as he was simply doing his job,” saad ni Belmonte.

Hindi umano agad na nagbigay ng pahayag ang alkalde nang sibakin sa pwesto ang pulis dahil nagkaroon umano siya ng “impression” na gumawa ito ng mali sa nangyaring pagpapahinto nito sa trapiko sa Commonwealth.

“But she decided to speak up when the MMDA made the clarification, and when she noticed that they did not relieve nor take any action against the MMDA personnel who were present in the same viral video,” saad pa ng pahayag ng QC government.