Nagsampa ng 6 counts na kasong kriminal ang Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBP) laban kay Vivamax sexy actress Angeli Khang sa Pasay City Prosecutor’s Office nitong Martes, Oktubre 10.

Nilabag kasi umano ni Angeli ang Cybercrime Prevention Act of 2012 nang ipost ng actress ang kaniyang mga malalaswang video sa verified social media account niya.

Matatandaang noong isang taon ay naging usap-usapan sa social media ang maiinit na eksena nina Angeli at Jay Manalo sa pelikulang “Selina’s Gold” ng Vivamax.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, halos papakin ni Jay Manalo sa ‘Selina’s Gold’; pinatunayang siya si ‘Totoy Mola’ – Balita

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Bukod kay Angeli, sasampahan din umano ng kaso ang iba pang Vivamax sexy actress na sina AJ Raval, Ayanna Misola, at Azi Acosta.

Sa kasalukuyan, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Angeli at ang Vivamax sa nasabing isyu.

Ang nasabing social media broadcasters ding ito ang nagsampa ng kasong kriminal kina Vice Ganda at Toni Fowler.

MAKI-BALITA: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal ng socmed broadcasters – Balita

MAKI-BALITA: Vice Ganda, Ion sinampahan daw ng kasong kriminal ng ‘socmed broadcasters’ – Balita