Ibinahagi ng aktor na si Jake Ejercito sa kaniyang Facebook account kamakailan ang mga tweet ng netizens tungkol sa muhusay niyang pagganap sa pelikulang “A Very Good Girl”.
“Very good tweets about Jake’s #AVeryGoodGirl character “Charles”! ??” saad ng aktor sa caption ng kaniyang post.
Narito ang ilang tweet ng netizens sa pag-arte ni Jake bilang Charles:
“Mukhang Jake Ejercito yung next big thing sa actor ng ABSCBN!! Need lang maging consistent ni Jake at kaya kaya talaga siya pasikatin as lead actor ng ABSCBN!! ??✨#AVeryGoodGirl”
“Isa sa mga creep scenes sa “A Very Good Girl” is yung eksena niyo ni Kath! Shuta ka Charles!!”
“Yung scene ni @unoemilio sa upuan. That was hot and intense. Di din nagpahuli sa acting si Jake.”
“ANG POGI NI JAKE !!!! @unoemilio YUNG CHARACTER NIYA YUNG BIGGEST REVELATION SA MOVIE KAYA DAPAT PANOODIN NIYO !!!!”
Matatandaang humakot ng milyon-milyong views ang teaser ng nasabing pelikula nang ilabas ito sa publiko.
Bukod pa diyan, kumita rin ang pelikula ng ₱10 milyon sa unang araw ng showing nito.