Sa kabila ng mga isyu at suspensyong kinahaharap, ang noontime show na "It's Showtime" ang pinarangalan bilang "Best Variety Program" 20th Gawad Tanglaw Ceremony na ginanap sa Manuel L. Quezon University noong Oktubre 8.
Bukod sa It's Showtime, kinilala rin sa nabanggit na kategorya ang "ASAP Natin 'To."
Ang hosts nitong sina Gary Valenciano at Anne Curtis ay nakatanggap ng Gawad Dr. George Tumamak, Jr. para sa Sa Sining at Kultura ng Paglilingkod sa Bayan award. Si Vice Ganda naman ay nakatanggap ng Gawad Dr. Debbie Francisco para sa Sining at Kultura ng Pangmadlang Komunikasyon.
"Muli't-muli, maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng 20th Gawad Tanglaw Para Sa Sining At Kultura para sa parangal na inyong iginawad sa amin bilang "Best TV Variety Show" ngayong taon.," ayon sa It's Showtime na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page.
Big winner din ang ABS-CBN na pinarangalan bilang "Best Media Company" at "Best Digital Media Company."
"Best teleserye" naman ang "The Broken Marriage Vow" at ang bida rito na si Kapamilya Silent Superstar Jodi Sta. Maria ang itinanghal na Best Actress. Si Piolo Pascual naman ang hinirang na "Best Actor."
"Best TV Newscast" naman ang "TV Patrol," at si Henry Omaga Diaz ang pinarangalan bilang "Best TV News Anchor."
Sina Doris Bigornia at Alvin Elchico naman ang pinarangalan bilang "Outstanding Teleradyo Anchors."
Samantala, hakot-awards din naman ang GMA Network na hinirang naman bilang "Best TV Network."
Recipient naman ang award-winning journalist na si Atom Araullo ng "Gawad Prof. Jan Henry Choa, Jr." para sa Sining at Kultura ng Malayang Pamamahayag.
Ang yumaong 24 Oras news anchor na si Mike Enriquez ay pinarangalan ng "Posthumous Award" bilang Natatanging Tanglaw sa Sining ng Radyo at Telebisyon.
"Best Historical Fantaserye" naman ang "Maria Clara at Ibarra" para sa "Gawad Kapuri-puring Programa sa Telebisyon o Digital Media.