Pinag-usapan na naman nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez si “Unkabogable Star” Vice Ganda sa “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Oktubre 9.

May nakapagsabi raw kasi kay Cristy na tila mas mabuting hiwalayan na ni Vice ang jowang si Ion Perez dahil marami umanong hindi magagandang nangyari sa buhay ng komedyante simula noong maging magkarelasyon ang dalawa.

“Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit, di ba. Baka mukhang hindi yata magandang ano sa ‘yo si Ion–”

“Impluwensiya,” agaw ni Romel sa naglilitanyang si Cristy.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

“‘Yung impluwensiya hindi pa rin, e,” bawi ni Cristy, “dahil matigas ang ulo ni Vice, e. May kayabangan. Hindi siya maiimpluwensiyahan ni Ion. ‘Yun bang di ba mayroong magaan at mabigat na karelasyon.”

“Mayroon, tooo ‘yun,” pagsang-ayon ni Romel.

Tila mahihirapang magdesisyon si Vice sa pagitan ng dilemmang ito. Pero sabi nga ni Crisy: “Kung kilala natin si Vice, hindi niya bibitiwan si Ion. At para naman sa akin, ba’t ka nga makiking naman sa mga sulsol at bulong kung ang kaligayahan mo talaga ay si Ion Perez? Naibibigay ba ng iba ang kaligayahang naibibigay sa ‘yo ni Ion?”

Matatandaang kamakailan lang ay sinabihan naman ni Cristy na nagtatapang-tapangan lang umano si Vice sa gitna ng isyung kinakaharap kaugnay sa 12-days airing suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanilang noontime show na “It’s Showtime”.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, natatapang-tapangan lang daw sey ni Cristy