Tatlo ang nanalo sa mahigit ₱81 milyong jackpot sa isinagawang draw ng Mega Lotto 6/45 nitong Lunes ng gabi.

Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), paghahatian ng tatlong mananaya ang nasabing premyo.

Nahulaan ng mga ito ang 6-digit winning combination na 34-41-11-01-10-07.

Pinayuhan ng PCSO ang mga nanalo na kubrahin na lamang sa main office ng ahensya ang premyo.

Binobola ang Megalotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, ayon pa sa PCSO.