Kasado na ang face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong guidance counselor ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Oktubre 10.
Ayon sa PRC, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa Oktubre 19 dakong 12 ng tanghali sa L’Fisher Hotel, Bacolod City.
“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.
“Inductees must PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.
Inabisuhan din ng Komisyon ang mga dadalo sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang vaccination card o ang kanilang Negative RT-PCR results na kinuha umano sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.
Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.
Iaanunsyo umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.
“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” anang PRC.
“For more information on the OATHTAKING proper, you may contact the Philippine Guidance and Counseling Association, Inc. at 5310-4374, or email [email protected] and [email protected],” dagdag pa nito.