Naglabas ng advisory ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Oktubre 10, hinggil sa mga indibidwal na nagpapanggap at gumagamit umano ng pangalan ni Health Secretary Teodoro Herbosa para makapag-solicit ng pera.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na marami silang natatanggap na mga ulat ng ilang mga indibidwal na nagpapanggap na nagtatrabaho sa ahensya at nagso-solicit umano ng pera sa mga supplier para umano sa isang proyekto ng ahensya.

“This claim is FALSE. The DOH will not tolerate such alleged illegal actions,” pagbibigay-diin ng ahensya.

“The Secretary as well as the personnel are fully committed to upholding the integrity and maintaining respect accorded to such a public office, as well as the trust of the Filipino people,” dagdag pa nito.

National

PH Bar Assoc., nag-alok pangunahan public debate ni Marcoleta vs Carpio!

Hinikayat din ng DOH ang publikong maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na gumagaya o gumagamit umano ng pangalan ng mga opisyal ng pamahalaan.

“The DOH calls on the public to be vigilant in sharing information and only source health news and information from official DOH platforms,” saad pa nito.