Paghahatian ng tatlong winner mula sa Malolos, Bulacan ang ₱81 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Oktubre 9.
Sa kalatas ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng mga lucky winner ang winning numbers na 34-41-11-01-10-07 na may kaakibat na premyong ₱81,039,037.20.
Ayon pa sa ahensya, nabili ang tatlong winning ticket sa McArthur Highway, Malolos, Bulacan.

Upang makubra ang premyo, pumunta lamang sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID.
Ang premyong napanalunan na lagpas sa ₱10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong tax na alinsunod sa TRAIN Law.
Ang lahat naman ng premyo na hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.
Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes