Iginiit ng model-athlete na si Joshua de Sequera, stepson ng aktor na si Ricardo Cepeda, na hindi estapador ang kaniyang stepfather.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post ay ipinagdiinan ni Joshua na mali ang mga akusasyon laban sa kaniyang stepdad.

"Please spread the word. My Father Richard Cepeda Go was wrongfully accused. He was simply the product endorser of a sales company. They used the title BRAND AMBASSADOR (which many companies also use)," ani Joshua.

"The company offered an investment scheme (which he had no knowledge nor participation of) which paid people a big % profit monthly. Guaranteed with advanced payouts in monthly postdated checks. Eventually the checks started bouncing so the investors filed estafa cases against everyone who they thought was part of the company. Including Ricardo -who was just the celebrity model."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Mapatutunayan daw ng abogado ni Ricardo na inosente ito sa mga akusasyon laban sa kaniya. Sa ngayon daw, hindi makapagpiyansa si Ricardo kaya nakadetine pa rin ito.

"His lawyer can easily prove his innocence by presenting a copy of DTI showing the company is a sole proprietorship and his name is not there. Also his name appears nowhere on any of the said investment moas and post dated checks. Request for bail and if ever [a] court date is his biggest hassle because it means he's stuck in detainment even though he's innocent."

Panghuli, may mensahe si Joshua para sa mga netizen na nagbibigay ng komento kahit hindi pa alam ang totoo at kompletong istorya sa mga nangyari.

"I have seen a lot of hateful comments about this. IF YOU DON'T KNOW WHAT REALLY HAPPENED KEEP YOUR COMMENTS TO YOURSELF," aniya.

Matatandaang inaresto ng pulisya ang batikang aktor dahil umano sa kasong syndicated estafa habang siya ay nasa Caloocan City, noong araw ng Sabado, Oktubre 7.

Ayon sa ulat, hindi umano pumalag ang aktor nang dakpin ito ng Quezon City Police District operatives bandang 11:00 ng umaga.

Ang warrant of arrest ay inihain kay Cepeda sa nabanggit na reklamo, sa ilalim ng Article 314 ng Revised Penal Code na kaugnay ng Presidential Decree 1689.

Inisyu umano ang warrant sa pag-aresto kay Cepeda sa Regional Trial Court Branch 12 ni Judge Gemma Bucayu-Madrid sa Sanchez Mira, Cagayan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang updates sa kalagayan ni Cepeda.

MAKI-BALITA: Ricardo Cepeda arestado dahil sa kasong syndicated estafa