
(Manila Bulletin File Photo)
Oriental Mindoro, nakapagtala ng unang kaso ng African swine fever
Nahawaan na ng African swine fever (ASF) ang Oriental Mindoro.
Ito ang kinumpirma ni Governor Humerlito "Bonz" Dolor nitong Lunes, Oktubre 9, at sinabing ang nasabing sakit ay humawa sa Barangay Danggay at Bagumbayan sa Roxas, Oriental Mindoro.
Iniutos na ni Dolor na magsagawa ng sample testing sa lima pang lugar sa naturang bayan at sa isa pang lugar sa Mansalay kung saan naiulat ang unang kaso ng ASF.
Maglalagay na rin ng checkpoint ang mga ito sa boundary ng Roxas at Bongabong at sa Roxas-Mansalay.
Nanawagan na si Dolor sa Sangguniang Panlalawigan na isailalim sa state of calamity ang Roxas at Mansalay matapos mahawaan ng sakit.