Nasungkit ng mga kinatawan ng Pilipinas ang gold at silver medal sa magkaibang dibisyon, sa idinaos na International Cheer Union (ICU) World Cup 2023 performance cheer competition na ginanap sa Seoul, South Korea mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 8, 2023.

Naiuwi ng UP Streetdance Club ang gold medal para sa performance cheer competition para sa "Hip Hop Division." Ang sumunod sa kanila ay ang Myongji University at Team Korea na parehong nagmula sa nabanggit na bansa. Ang coaches ng UP Streetdance Club ay sina Ariel Alba, Arvin Rulloda, at Lloyd Marcaida.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Para naman sa Junior Hip Hop Division, silver medal ang napagtagumpayan ng grupong "DanSSA," dance troupe ng School of Saint Anthony (SSA), isang pribadong paaralan mula sa Lagro, Quezon City. Ang nakakuha ng gold medal ay Kyoto Meitoku High School mula sa Japan, at ang bronze medal naman ay Team Korea.

Doble ang selebrasyon dahil may koneksyon ang UP Streetdance Club at DanSSA dahil sa kanilang coaches at miyembro. Isa sa mga coach ng DanSSA ay coach din ng UP Streetdance Club, na si Coach Ariel Alba. Si Lloyd Marcaida na isa rin sa mga nabanggit na coach ng dance troupe mula sa UP, ay produkto rin ng SSA, at dating miyembro ng DanSSA. Kabilang din sa coach si Florenz Alba na kapatid naman ni Ariel.

Nagbigay naman ng mensahe ang Assistant Director ng SSA na si Dr. Tricia Montinola para sa dance troupe, na nagdala ng karangalan hindi lamang sa paaralan, kundi maging sa buong bansa.

"Congratulations DANSSA, Coach Aye, and Coach Renz! This is definitely a once in a lifetime experience. Always keep your feet on the ground and thank the Lord almighty for all your blessings," aniya.

May mensahe rin ang Institutional Principal na si Gng. Amy Mamiit para sa mga mag-aaral na nagpakitang-gilas sa ibang bansa.

"I am thrilled to congratulate each and every one of the members of DANSSA for your outstanding achievement in the international hip-hop competition!"

"Winning an international competition is a crown to your hard work, creativity, and unity as a team. Your innovative choreography, graceful execution, and all-out performances on the global stage captured the hearts of the audience and judges alike, showcasing the immense talent within our school."

"Your achievement not only brings honor to the School of Saint Anthony but also inspires the future generations of dancers. Use this achievement as a motivation to reach even greater heights in the world of dance."

"I want to express my gratitude to the dedicated coaches, supportive parents, and everyone who contributed to the success of DANSSA. Your encouragement, guidance, and prayers have played a significant role in this journey of the team."

"To our DANSSA members, keep dancing, keep inspiring, and keep making our country proud," aniya.

Dahil ang mga kinatawang mag-aaral ay nagmula sa Junior High School at Senior High School, nag-iwan din ng mensahe para sa mga nagwaging mag-aaral ang mga Assistant Principals na sina Gng. Ana Camille Arroyo at G. John Oliver Ramos.

"Congratulations DanSSA on your well-deserved victory in the international competition! The Anthonian Community knows how you worked hard to win in this competition and that you put your heart and soul in this performance."

"That is why it no doubt that your talent and dedication have truly shone on the global stage, and your performance was nothing short of mesmerizing. Keep dancing your way to success and inspiring us all with your incredible artistry! You are truly pride of the Anthonian Community and our country!," ani Arroyo.

"Hi DanSSA! You have gone a long way and once again, you have made us proud. Congratulations and keep on dancing your hearts out!," pahayag naman ni Ramos.

Samantala, para naman sa cheering squad category, nag-rank 1 ang "Southies" na kinabibilangan ng iba't ibang former cheerdance squads alumni mula sa iba't ibang kolehiyo at pamantasan sa bansa.

Pagbati sa dalawang nagwaging paaralang kumatawan sa bansa!