Magandang balita dahil ang Manila Clock Tower Museum ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) ang tinanghal na grand winner sa Museums and Galleries Month (MGM) 2023 Audio/Visual Presentation (AVP) Museum Competition.

Nabatid na tinalo ng kauna-unahang clock tower museum sa Pilipinas ang marami pang local government museums sa bansa, sa ginanap na kumpetisyon nitong Biyernes, Oktubre 6.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Manila Clock Tower Museum, na ginawa at natapos noong 1930, ay idinisenyo ng isang Filipino Neoclassical artist at architect na si Antonio Toledo.

Dahil sa pandemya ay naantala ang pormal na pagbubukas nito sa publiko pero noong Oktubre 2022, ang Clock Tower Museum ay pormal na inilunsad ni Manila Mayor Honey Lacuna bilang major tourist attraction at historic landmark at binuksan sa publiko.

Ang Manila Clock Tower ay matatagpuan sa Manila City Hall, Padre Burgos Ave., Ermita, Manila.

Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, ganap na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Mayroon ito limang antas na nagtatampok ng kasaysayan ng Maynila, gayundin ng modern art galleries na may changing art exhibits.

Ang arkitektura ay nakatayo sa taas na halos 100 feet, dahil dito, ito ang itinuturing na pinakamalaking clock tower sa bansa.

Samantala, nabatid na ang iba pang nagwagi sa kumpetisyon ay ang Cagayan Museum & Historical Research Center bilang first runner-up, habang second runner-up naman ang Museo ng Makati.