Magpapatupad muli ng libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Nobyembre.

Binanggit ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, ang Libreng Sakay program sa mga jeep at bus ay tatagal hanggang Disyembre.

"Itong buwan na ito, ilalabas namin ang pera. Ibabalik po natin ang Libreng Sakay. Uunahin po natin ang Metro Manila, kasama po ang mga jeepneys," paliwanag ni Guadiz sa pulong balitaan nitong Lunes.

"Iyong ₱1.3 billion tapos na po iyong joint memorandum circular. Ibaba na po ang pera. Alam mo ang hinahabol namin doon November-December para maagang pamaskong handog ng LTFRB," anang opisyal.

Matatandaang unang ipinatupad ang libreng sakay upang matulungan ng pamahalaan ang transport sector sa panahon ng pandemya noong 2020.