Nakipagkulitan ang stand-up comedian na si Alex Calleja kay dating Manila Mayor Isko Moreno sa latest episode ng “Iskovery Night” nitong Biyernes, Oktubre 6.

Isa sa mga nahagip ng kanilang usapan ay ang mga Pinoy bilang mga audience ng stand-up comedy na mahirap umanong patawanin dahil sa pagiging mainipin.

“So, ang ginagawa n’ong mga comedy na sina Petite, kakanta sila,” sabi ni Alex.

“Para ‘yung laylay, umangat ulit,” agaw ni Isko.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Ngayon ‘pag di kumanta dahil di nakikinig, aasarin nila para makuha ‘yung atensyon [...] Naging variety show. Kaya ang pagkakakilala sa stand-up, technically variety show. Kasi apat sila sa stage di ba sila-sila mismo nag-aasaran,” paliwanag ni Alex.

Hindi tuloy niya maiwasang maipagkumara ang mga Pinoy sa mga audience ng stand-up comedy sa Amerika.

Sa Pilipinas daw kasi, kailangan mapatawa ang mga audience every 30 seconds. Dahil kung hindi, lalayasan ang performer. Samantala ang mga Amerikano, kahit mahaba ang premise ng joke, okay lang.

“Kaya pagpunta namin sa ibang bansa, ang tawag sa amin, fast phase ‘yung comedy n’yo. Akala nila style ‘yun. Kaya ang daling mapatawa ng ibang bansa.”

Dagdag pa ni Alex, wala rin umanong pakialam ang mga taga-ibang bansa sa grammar. Hindi gaya rito sa Pilipinas na sa halip na ang tinatawanan ay ang maling bigkas sa isang salita sa halip na ‘yung mismong joke na nasa wikang Ingles.

Matatandaang sinabi rin ni Michael V na mahirap nang magpatawa sa kaslaukuyan, bagay na sinegundahan naman nina Joey De Leon at Vice Ganda.

MAKI-BALITA: ‘Mahirap na magpatawa ngayon!’ Joey, Vice Ganda aprub sa sinabi ni Bitoy