Hindi natuloy ang concert ng magkasintahang Kapuso artists na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose kasama si Boobay sa Smolarz Auditorium ng Tel Aviv University sa Israel sanhi ng kaguluhan sa nasabing bansa.

Supposed to be October 7 ang kanilang show sa Israel na may title na “Luv Trip na, Laff Trip pa!” kasama ng iba pang mga artists.

Marami ang nag-alala sa katayuan nila Rayver, Julie Anne at Boobay sa Israel pero nariyan naman ang mga namamahala ng concert upang magbigay ng mga updates gaya ni Maris Gonsalez na ibinahagi niya sa kanyang Facebook.

Sa pagbabahagi niya walang dapat ipag-alala ang mga mahal sa buhay at mga tagasuporta ng mga Sparkle Artists dahil lahat sila ay pawang safe.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi na nga raw natuloy ang concert dahil sa kasalukuyang sitwasyon ay kinailangan daw nilang i-postpone at mag-aanounce na lang daw sila sa panibagong date ng JulieVer concert with Boobay sa Tel Aviv Israel.

Sa latest updates nga ni Maris, naihatid na raw nila nang ligtas sa airport ng Israel sila Rayver, Julie Anne at Boobay pabalik ng Pilipinas.

Nagbigay naman ng mensahe si Julie Anne sa mga masugid na tagasuporta sa Israel habang nasa sasakyan papunta sa airport ng Israel.

Aniya, “Sa lahat po ng mga kababayan dito sa Israel sana po ay OK kayong lahat. Ipinagdadasal po namin na nasa mabuti po kayong kalagayan pati na rin po ang inyong mga pamilya at mga kaibigan. Pasensiya na po hindi natuloy yung show."

“Siyempre safety first uh hindi lang po para sa amin pero para na rin po sa inyo. But we are looking forward na makabalik po dito. Ipinapangako po namin na babalik po kami dito para po bigyan kayo ng magandang show at siyempre pasayahin po kayo. We love you all guys. Pray for everyone safety. God bless. Stay safe.”

Ani naman ni Rayver, “Maraming maraming salamat po dahil naging masaya ang stay namin dahil sa inyong lahat. Yung mga nameet po namin maraming salamat po napakabait ninyo at uh pinaramdam ninyo sa amin ang pagmamahal ninyo. Aayusin lang po namin ang importante lahat po tayo ay safe and sana po lahat tayo ay nasa mabuting kalagayan. Iko-conrdinate ng producers and ng Sparkle yung next step na pagbalik namin para makapagshow po kami para sa inyo and excited na po kami for that. Maraming salamat po. Mahal na mahal namin kayo. Stay safe.”

Nagbigay din ng pahayag si Boobay. Sabi niya, “Hello po sa ating mga minamahal po na mga kababayan dito sa Israel. Huwag po kayong mag-alala dahil ipinapangako po namin na kami po’y babalik nila Rayver Cruz at Julie Anne San Jose para po ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya sa inyong lahat."

"Dahil yan po ay deserve po ninyo. Pansamantala po kami po ay humihiling ng inyong pang-unawa at kayo po ay palagi pong mag-ingat dito sa Israel. God bless us all. Maraming salamat po.”

MAKI-BALITA: Concert nina Julie Anne, Rayver kanselado dahil sa sigalot sa Israel