Ikinasal na ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa kaniyang fiance na si Philip Evangelista.

Sa ulat ng "Wedding Essentials," binahagi sa Instagram stories ng isang nagngangalang "Myles Decena" nitong Oktubre 8 ang video clip ng paglakad ng magandang bride sa aisle, habang may hawak na mga bulaklak ng Dahlia.

Kitang-kita naman ang kakisigan ng groom na si Philip suot ang cream-colored na tuxedo set.

National

Sen. Angara, planong humingi ng payo kay VP Sara hinggil sa DepEd

Ang kanilang reception naman ay sa isang garden set-up, na makikita naman sa Instagram post ng netizen na si Candy Duyongco.

View this post on Instagram

A post shared by Candy (@candyduyongco)

Matatandaang sinorpresa ni LJ ang publiko nang ipamalita niya ang kaniyang engagement sa non-showbiz boyfriend noong Mayo 30, 2023. Ikinagulat ito ng lahat dahil naging tahimik ang buhay ni LJ nang tumulak sila ng mga anak patungo sa Amerika upang doon na manirahan, matapos ang pakikipaghiwalay ng aktres sa ex-partner na si Kapuso actor-TV host Paolo Contis.

Noong Agosto 5 ay muling nagpasilip si LJ ng ilang kuhang larawan at snippets sa kanilang pre-wedding photoshoot, kuha ng Nice Print Photo.

Marami ang natutuwa para kay LJ dahil tila prince charming na hulog ng langit daw kay LJ ang mapapangasawa.

Hanggang ngayon, curious pa rin ang mga tao sa pagkakakilanlan ng mister ni LJ dahil hindi pa ito nakakapanayam at naipakikilala sa showbiz world, pero kahit na ganoon, mukhang aprub naman sa lahat si Philip batay sa looks nito.

Wala pang updates si LJ sa kaniyang sariling kasal, dahil ang huling post niya ay noon pang Agosto 22.

Congrats, Mr. and Mrs. Philip Evangelista!

MAKI-BALITA: LJ Reyes, engaged na!

MAKI-BALITA: Prenup photoshoot nina LJ at Philip kinakiligan: ‘In God’s most perfect time!’