
(Philippine Coast Guard/FB)
U.S. aircraft, asahan sa susunod na resupply mission sa Ayungin Shoal?
Asahang magbabantay ang dayuhang sasakyang panghimpapawid sa mga susunod na resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ito ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado kasunod ng matagumpay na rotation at resupply (RoRe) mission ng tropa ng pamahalaan nitong Oktubre 4 sa kabila ng pangha-harass ng barko ng China Coast Guard at Chinese maritime militia.
Isang dayuhang eroplano ang namataan sa nasabing resupply mission.
“What they are providing us is a view from above so that, as I’ve said, we will know what is happening on the ground. That is very important in the formulation of strategies, campaigns, or operational plans that will be effective only in providing additional capability, which we don’t have yet,” depensa naman ni AFP Spokesperson Medel Aguilar sa isang television interview.
Nauna nang binanggit ng Coast Guard na nagsagawa na naman ng delikadong pagmamaniobra ang barko ng China Coast Guard (CCG) laban sa mga tauhan nito na sakay ng BRP (Barko ng Republika ng Pilipinas) Cabra na kasama sa escort ng resupply boat nitong Miyerkules.