Usap-usapan ang tsikang apat lang daw ang nanood sa isang sinehan na nagpalabas ng espesyal na screening sa pelikulang "1521: The Quest for Love and Freedom na pinagbibidahan ng Kapuso star na si Bea Alonzo, na gumanap sa role na "Diwata."

Sa ulat ng PEP Troika, isang impormanteng nanood mismo sa isang sinehan sa Amerika ang nagsabi sa kanilang apat lamang daw sila sa sinehan nang manood sa nabanggit na pelikula ni Bea, na naganap noong Oktubre 2 sa 200 sinehan sa buong US.

Isang screening lang daw ito na simultaneous na isinagawa sa buong Amerika, at sa Arizona raw ay may dalawang sinehan.

Sa kabilang banda, pinuri naman ng impormante ang kabuuan ng pelikula, at ang aktingan ni Bea. Pero kung ito raw ang tatanungin, mas bet pa niya ang takbo ng istorya ng "Maria Clara at Ibarra" ng GMA Network, na hango sa walang kamatayang nobela ni Dr. Jose Rizal.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa pagkahulog ng damdamin ng translator ni Ferdinand Magellan kay Diwata. Ang setting nito ay noong pre-kolonyal o panahon ng mga katutubo kung saan wala pa ang mga kolonisador na Espanyol.

Sa vlog naman ni Ogie Diaz na "Ogie Diaz Showbiz Update," nasabi niya na tila hindi raw sasama si Bea sa pag-promote ng pelikula dahil sa ilang issues daw ng aktres sa producer ng pelikula.

Nagbigay naman ng kaniyang panig ang movie producer hinggil sa isyu. Anila, na-fulfill daw nila kung anuman ang mga nakasaad sa kontrata nila kay Bea.

Samantala, wala pang pahayag ukol dito ang kampo ni Bea.